title

title

Saturday, October 10, 2015

Mababang Pananaw sa Sarili



      


           Matangos na ilong, maputi at makinis na balat at matingkad na buhok. Minsan ba'y inasam niyo ring baguhin ang pisikal niyong anyo? Minsan ba'y naranasan niyo ring ikumpara ang inyong sarili sa ibang tao? Ninais niyo rin bang malaman ang pananaw ng ibang tao sa inyo? Kung ikaw ba ay maganda, pangit, matalino, puspusan ng sama ng ugali o hindi nama'y mataba sa kanilang mga mata. Puwes, hindi ka nag-iisa.
          Laganap at sinasabing normal lng daw sa mga kabataan ang maging "insecure" o pagkawala ng kapanatagan sa sarili. Mayroong dalawang pinakalaganap na insecurity sa ating mga kabataan. Ito ay ang pisikal at ang relasyon. Mas mataas ang porsyento ng mga kababaihang mayroong pisikal na insecurity kaya nakikita naman nating marami ang gumagamit ng glutathion, nagpapaliposuction, noselift, nagpapalaki ng dibdib at ng bibig. Pagdating naman sa relasyon na insecurity ay maroon tayong mga katanungan gaya ng ‘mahal ba niya talaga ako? Sapat ba ako para sa kanya? Mas maganda o mas pogi ba ako sa "ex" niya? May "forever" nga ba talaga?
          Napakaraming mga katanungan, ngunit walang mga kasagutan. Walang gamot ang mababaw na pananaw sa sarili ngunit maaari itong masupil kung matututo tayong mahalin ang ating mga sarili. Huwag nating ikumpara ang ating sarili sa iba sapagkat ginawa tayo ng Diyos na espesyal at walang katulad. Pagkatiwalaan natin ang ating kakayahan, pagkatiwalaan natin ang mga taong nagmamahal sa atin sa ating kapaligiran. Matutong makontento. May kasabihang 'Ang pinakamahirap na labang ating mahaharap sa buhay ay ang laban sa pagitan ng ating sarili.’

          Kaya kayo, handa na ba kayong harapin ang pinakamahirap na labang masasagupa niyo?